^

Probinsiya

3 pupils sabog sa granada

-
CAMP CRAME – Malagim ang sinapit na kamatayan ng tatlong elementary pupil habang apat pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang isang granada na pinaglaruan at pinagpasa-pasahan ng mga ito sa bayan ng Angadanan, Isabela kamakalawa ng hapon.

Nagkagutay-gutay ang murang katawan ng mga biktimang sina Victor Daracan, 10; Antonio Gamboa, 11 at Ferdinand Santuya, 12.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Mike Angelo Ibarra, 4; Alvin Gamboa, 8; Jestoni Daracan, 7 at Roel Santuya, 10, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pinakamalapit na pagamutan.

Base sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hemogenes Ebdane Jr., naitala ang insidente sa pagitan ng alas-4:30 hanggang alas-5 ng hapon nitong Miyerkules sa Brgy. Talactac, Angadanan, Isabela habang ang mga biktima ay pauwi na sa kanilang tahanan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakapulot umano sa madawag na lugar ng isang granada ang mga paslit na agad namang pinagpasa-pasahan ng mga ito at nakatuwaan na paglaruan ang granada dahilan sa pelikula lamang nila ito napapanood na di alintana ang panganib.

Bigla na lamang sumambulat ang granada na sumapol sa katawan ng mga nasawing biktima habang grabe rin ang tinamong sugat ng iba pang mga estudyante. (Ulat nina Joy Cantos at Charlie Lagasca)

ALVIN GAMBOA

ANGADANAN

ANTONIO GAMBOA

CHARLIE LAGASCA

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL HEMOGENES EBDANE JR.

FERDINAND SANTUYA

ISABELA

JESTONI DARACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with