Kuya tinusok ni bunso

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang 37-anyos na lalaki ang sinaksak hanggang sa mapatay ng sariling utol makaraang mairita sa ginawang paninermon ng una sa Barangay 6, Mendez, Cavite kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na iniwang nakabulagta si Teodoro Reyes Jr., samantala, agad naman nakorner ang suspek na si Danilo Reyes, 29, na kapwa residente ng nasabing barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Macario Dimapilis Jr., naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng gabi makaraang datnan ng biktima ang sariling utol na uniinom ng alak sa harap ng kanilang bahay.

Sinita ng biktima ang sariling kapatid hanggang sa mauwi sa matinding pagtatalo at pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments