^

Probinsiya

2 MILF na susuko tinodas ng kabaro

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinaniniwalaang magbabalik-loob sa pamahalaan ang tinambangan at napatay ng kanilang kabaro sa hangganan ng Marugong at Lumbatan sa Lanao del Sur kamakalawa.

Bukod sa napatay na dalawang rebeldeng sina Musaad R. Gumaga at Salani S. Moner ay nasugatan naman si Panaba H. Azis, samantalang sina Gani L. Usodan at Benjamin A. Guro ay nawawala na pinaniniwalaang dinukot ng mga kasamahang rebelde.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, ang grupo ng mga biktimang nasawi ay patungo sa kampo ng 401st Brigade ng Philippine Army (PA) para sumuko nang tambangan ng mga kasamahang rebelde sa pamumuno ni Kumander Alison Babani, alyas Ustadz Babani.

Dahil sa armado rin ang mga susukong rebelde ay nakipagpalitan na rin ng putok na tumagal ng 15 minuto bago tuluyang umatras ang mga tauhan ni Kumander Babani.

Matapos na mapawi ang usok ay nakabulagta ang dalawang rebelde at sugatan naman si Azis habang ang dalawa pa ay nawawala.

May palagay ang militar na natunugan ng mga tauhan ni Kumander Babani na susuko ang kanilang kasamahang rebelde kaya isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AZIS

BENJAMIN A

CAMP AGUINALDO

GANI L

JOY CANTOS

KUMANDER ALISON BABANI

KUMANDER BABANI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSAAD R

PANABA H

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with