Bandang alas-7 ng gabi nang salakayin ng mga rebeldeng MILF sa pamumuno ni Jamiro Watamama, alyas Kumander Miro ang Ibay Elementary School bago silaban ang milyong ari-arian.
Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, si Kumander Miro ng 3rd Local Unit Command ng 101st Guerilla Base ng MILF ay positibong nakilala ng mga residente na nanguna sa pananalakay at panununog ng nasabing eskuwelahan na naging sanhi para maparalisa ang pasok ng mag-aaral.
Sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad na tumanggi si Kumander Miro na isagawa ang registration of voters sa nasabing eskuwelahan at iginiit nito na isagawa sa Barangay Sapad kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kasunod nito, sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala na kukuwestiyunin nila ang ginawang karahasan ng MILF sa paghaharap muli ng mga kinatawan ng GRP at MILF peace talks. (Ulat ni Joy Cantos)