^

Probinsiya

Magdi-deliver ng ransom dinedo ng Sayyaf

-
ZAMBOANGA – Binaril at napatay ang isang lalaki na magdi-deliver ng 12,000 dolyares na ransom ng mga bandidong Abu Sayyaf malapit sa bayan ng Patikul, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang bangkay ni Abdul Lim ay nadiskubre noong nakalipas na linggo at hindi nabatid kung kailan pinatay ang biktima.

Base sa ulat, si Lim ay aktong nag-aabot ng nasabing halaga sa mga kidnaper ng kanyang kaanak na si Gertrudes Tan nang barilin ng mga bandido.

Ang nasabing halaga ay kapalit ng kalayaan ni Tan na kinidnap ng Sayyaf noong Abril at pinaniniwalaang bihag pa ng mga bandido sa kagubatan ng Jolo.

Napag-alaman pa sa nakalap ng intelligence report ni P/Chief Supt. Acmad Omar na si Tan ay nagkasakit habang bihag ng mga bandido.

Ang grupong Abu Sayyaf ay bihasa at notoryus sa operasyon ng kidnapping sa nasabing lugar.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng tropa ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ng AFP)

ABDUL LIM

ABRIL

ABU SAYYAF

ACMAD OMAR

BINARIL

CHIEF SUPT

GERTRUDES TAN

JOLO

NAGPAPATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with