^

Probinsiya

Bitay sa nagpasabog ng granada

-
Kinatigan ng Korte Suprema ang naunang hatol na bitay ng mababang korte laban sa nagpasabog ng granada sa bahay ng isang pamilya na ikinasawi ng isa at apat naman ang malubhang nasugatan sa Zaragoza, Nueva Ecija noong Mayo 1994.

Sa 23-pahinang desisyon ng Supreme Court, pinagtibay ang naunang desisyon ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 29 na patawan ng hatol na bitay si Cirilo Magallona.

Si Magallano ay napatunayang naghagis ng granada sa bahay ni Rosendo Arimbuyutan Sr. na ikinasawi ng anak nitong si Resty at ikinasugat ng malubha ng apat pang miyembro ng pamilya.

Binalewala naman ng Korte Suprema ang depensa ni Magallona na nagsabing hindi niya kilala ang dalawang tumestigo laban sa kanya.

Gayunman, binigyang timbang ng Supreme Court ang salaysay ng mga testigo na ang akusado ay siyang umaaligid sa bahay ng pamilya Arimbuyutan bago pa maganap ang pagsabog. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ARIMBUYUTAN

BINALEWALA

CABANATUAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CIRILO MAGALLONA

CRUZ

KORTE SUPREMA

NUEVA ECIJA

ROSENDO ARIMBUYUTAN SR.

SI MAGALLANO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with