^

Probinsiya

4 pusher patay sa shootout

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng bawal na droga ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa dalawang pulis sa bisinidad ng Cavite City Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay duguang bumulagta sina Ronald Basa, Larry Baron, Virgilio Roraldo at Joselito Pugay Jr.

Napag-alaman na ang apat ay lulan ng Tamaraw FX na may plakang PYD-416 at dadalo sana sa court hearing sa kasong bawal na droga.

Ayon kay P/Supt. Rodolfo Soriano, hepe ng Cavite’s Intelligence and Investigation Department, dumalo rin sa court hearing ang dalawang pulis-Rosario na sina SPO1 Fernando Garcia at PO1 Friolito Matro para magsumite ng counter-affidavit laban sa kaso nina Basa at Baron.

Sumakay na ng taxi sina Basa at Baron matapos ang court hearing saka umaligid sa bisinidad ng nasabing lugar hanggang sa mamataan nila ang dalawang pulis na pasakay na rin ng sasakyan.

Agad na nilapitan ng apat na suspek sakay ng Tamaraw FX saka pinaputukan pero sumablay kaya nagawang gumanti ng dalawang pulis na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Narekober sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang dalawang kalibre. 45 baril na pinaniniwalaang ginamit sa shootout.

Kasalukuyang nasa custody ng Rosario municipal police station ang dalawang pulis para imbestigahan. (Ulat nina Ed Amoroso at Rene Alviar)

BASA

CAVITE

CAVITE CITY REGIONAL TRIAL COURT

ED AMOROSO

FERNANDO GARCIA

FRIOLITO MATRO

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DEPARTMENT

JOSELITO PUGAY JR.

LARRY BARON

RENE ALVIAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with