Isa sa mga rebeldeng nasawi ay nakilalang si Carlito Salingsing, alyas Ka Terado, samantala, ang apat ay kasalukuyang bineberipika pa ang pagkakilanlan.
Base sa ulat ni Major General Jacinto Ligot, AFP Central Command Chief, naitala ang engkuwentro dakong alas-8 ng umaga habang nagsasagawa ng patrolyang pandigma ang Armys 34th Infantry Battalion sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng militar na unang nagpaputok ang mga rebelde bago gumanti ang mga sundalo na ikinalagas agad ng limang NPA.
May paniniwala ang militar na may ilang nasugatang rebelde habang tumatakas dahil sa mga patak ng dugo mula sa direksyong pinagtakasan ng grupong makakaliwa. (Ulat ni Joy Cantos)