^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin, 13 grabe

-
CAMP CRAME – Labintatlo-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong bus sa bulubunduking bahagi ng Buguias, Benguet kamakalawa.

Agad namang isinugod sa ospital ng mga nagrespondeng pulisya ang mga biktimang sina Salming Lomedio, Godaliva Budid, Aida Chaplosen, Estipania Aniban, Irenio Pang-Itan, Alegia Minda, Benito Awal, Magdalena Mapowes, Erlinda Ticnoden, Daniel Sayong, Jaime Pagdangan, Afren Putyog at Agnes Carlos.

Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang aksidente bandang alas11:20 ng umaga habang binabagtas ng bus ang kahabaan ng Km63, Colliding, Natubleng ng naturang lugar.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasiraan ng makina ang Dangwa Bus na may plakang AYB-564 lulan ang mga pasaherong biktima.

Dahil sa pakurbadang kalsada ay hindi nakontrol ng driver na si Salming Lomedio ang bus kaya nagtuluy-tuloy na bumulusok sa bangin. (Ulat ni Joy Cantos)

AFREN PUTYOG

AGNES CARLOS

AIDA CHAPLOSEN

ALEGIA MINDA

BENITO AWAL

CAMP CRAME

DANGWA BUS

DANIEL SAYONG

ERLINDA TICNODEN

SALMING LOMEDIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with