^

Probinsiya

3 karnaper nasakote

-
PANTABANGAN, Nueva Ecija – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga karnaper ang iniulat na inaresto ng tropa ng militar sa checkpoint na sakop ng Barangay Cadaclan sa bayang ito noong Linggo ng madaling-araw.

Ang tatlo na nakumpiskahan ng mga baril ay nakilalang sina Virgilio Rubio, 27, ng Barangay Villa Paraiso, Rizal, Nueva Ecija; Ariel Ruiz, 19, ng Barangay Sampalok at Leo Bagawe, 28, ng Barangay Marikit.

Narekober sa mga suspek ang behikulong may plakang CRU-843 na pag-aari ni Jane Chavez na kinarnap sa Rizal, Nueva Ecija.

Sa ulat ng pulisya, tinutugis ng pulisya ang mga suspek nang mapadaan sa checkpoint bandang ala-1 ng madaling-araw. Hindi na nakapalag ang tatlo matapos na makipag-ugnayan ang kapulisan sa mga tauhan ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ARIEL RUIZ

BARANGAY CADACLAN

BARANGAY MARIKIT

BARANGAY SAMPALOK

BARANGAY VILLA PARAISO

CHRISTIAN RYAN STA

INFANTRY BATTALION

JANE CHAVEZ

LEO BAGAWE

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with