^

Probinsiya

Palpak na ambush ng NPA

-
CARRANGLAN, Nueva Ecija – Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang mga sundalo ng Phil. Army nang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Digdig, sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni Maj. Gen. Alberto Braganza, lumalabas na binabagtas ng mga elemento ng 5th Infantry Division ng Phil. Army ang kahabaan ng Maharlika Highway mula sa Camp Aguinaldo patungong bayan ng Gamu, Isabela nang maganap ang pananambang dakong alas-6:20 ng umaga.

Nabatid na medyo palpak ang atake ng mga rebelde kaya ang route security team na pinamumunuan ni 2Lt. Armand Gutierrez ng 71st Infantry Battalion ay nagawang makaganti ng putok hanggang umabot sa isang oras ang engkuwentro.

Napag-alaman na sumaklolo rin ang pulisya ng Nueva Ecija sa pamumuno ni P/Supt. Rhoderick Armamento kaya nagpulasan ang mga rebelde patungo sa direksyon ng hilagang-silangan bitbit ang sugatang mga kasamahan, ayon sa militar.

Samantala, inaresto naman si Joselito Joaquin, isang lider ng NPA na ngayon ay isinasailalim sa tactical interrogation. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

ALBERTO BRAGANZA

ARMAND GUTIERREZ

BARANGAY DIGDIG

CAMP AGUINALDO

CHRISTIAN RYAN STA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOSELITO JOAQUIN

MAHARLIKA HIGHWAY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with