Pamangkin pinatay ng sariling tiyuhin
July 19, 2003 | 12:00am
Isang 20-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang bagsakan ng tipak na bato ang ulo ng sariling tiyuhin habang nakikipag-inuman ng alak sa Sitio Kalumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Jun Pinero matapos na bagsakan ng bato sa ulo ng suspek na si Barlen Pinero, 45, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Ayon kay SPO1 Carlito Reyes, nag-ugat ang krimen matapos na batukan ng biktima ang isa sa mga kaibigan ng suspek habang magkakasamang nag-iinuman ng alak. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest