Sinabi ni City Social Welfare Development Officer (CSWDO) Marietta Legaspi na aabot din sa 23 kabahayan na matatagpuan sa baybaying-dagat ang napaalis ng malakas na hangin habang 1,742 namang pamilya ang nailikas na sa anim na evacuation centers sa lungsod na ito.
Kabilang sa nawasak na pananim ay ang 15 ektaryang maisan na may halagang P75,000; limang ektaryang plantasyon ng saging na nagkakahalaga ng P25,000.
Hindi madetermina ang halagang napinsala sa pananim na palay na pinaniniwalaang tataas pa ang halaga ng nawasak sa mga susunod na araw.
Matapos na maanod ng tubig-ilog sa Barangay Patag ay nadiskubre ang bangkay ni Lorena Loberas sa hangganan ng nasabing barangay at Brgy. Alta Vista, samantala, ang kasama naman ng biktima na hindi nabatid ang pangalan ay nakaligtas sa tiyak na kamatayan.
Pansamantalang walang kuryente ang nasabing lungsod dahil ilang poste nito ay bumagsak. (Ulat ni Roberto C. Dejon)