^

Probinsiya

Nakialam Sa Away Ng Mag-Asawa Pinugutan

-
May posibilidad na pakikialam sa away ng mag-asawa kaya tinagpas ang ulo ng isang lalaki ng kanyang bilas sa Sitio Taguisan, Barangay Mayamot, Antipolo City kahapon ng madaling-araw.

Agad na bumulagta ang biktimang si Joven Villanueva, 31, may asawa ng Purok 3, Zone 8, Barangay Cupang, Antipolo, City. Samantala, tinutugis naman ang suspek na si Roger Rosalinas, 35 ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ruben Ferrer Jr., naitala ang krimen bandang alas-12:15 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng suspek.

Napag-alaman na habang nagsisigawan ang mag-asawa ay dumating ang biktima at tinangkang mamagitan sa nagaganap na gulo.

Pasigaw na sinabihan ng suspek ang kanyang bilas na huwag makialam sa kanilang away pero nagmatigas na umawat.

Dito na umalis ang suspek patungo sa kusina at pagbalik ay hawak na ang jungle bolo hanggang sa isagawa ang krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY CUPANG

BARANGAY MAYAMOT

DITO

EDWIN BALASA

JOVEN VILLANUEVA

NAPAG

ROGER ROSALINAS

RUBEN FERRER JR.

SITIO TAGUISAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with