^

Probinsiya

Driver tinodas ng pulis sa trapik

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – May posibilidad na nagkainitan sa trapik ang naging dahilan kaya nabaril at napatay ang isang drayber ng pampasaherong dyip ng pulis sa Barangay San Miguel 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Antonio Abundo ng General Mariano Alvarez, samantala, ang suspek ay positibo namang nakita ng ilang saksi na pulis dahil sa naka-uniporme pa nang isagawa ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO3 Cornelio Bugayong, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa trapik hanggang sa magbunot ng patalim ang biktima at inundayan ng saksak ang suspek.

Nakailag naman ang suspek bago nagbunot ng kanyang baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.

Kasunod nito, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang isang fish dealer ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa harap mismo ng kanyang misis sa Barangay Ipil 2, Silang Cavite kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa UMC Hospital ang biktimang si Estelito Mantal, 49, ng Block 80 Lot 10 ng nabanggit na barangay. Agad naman tumakas ang mga suspek sakay ng traysikel matapos isagawa ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ANTONIO ABUNDO

BARANGAY IPIL

BARANGAY SAN MIGUEL

CAVITE

CORNELIO BUGAYONG

CRISTINA G

DASMARI

ESTELITO MANTAL

GENERAL MARIANO ALVAREZ

SILANG CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with