Kampo ng NPA nakubkob
July 15, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa na namang kampo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nakubkob ng tropa ng 71st Infantry Battalion sa isinagawang operasyon sa kagubatang sakop ng Barangay Parista, Lupao, Nueva Ecija kamakalawa.
Napag-alaman na ang kampo ay may 12 bunkers na maaaring okupahan ng 100 rebelde at sa pagilid ay nakaposisyon ang tatlong maliit na kubo bilang tanod-bahay.
May palagay ang militar na agad na inabandona ng mga rebelde ang nadiskubreng kampo matapos na matunugang sinusuyod ang naturang kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest