Mga hukom nanumpa sa Korte Suprema

MALOLOS, Bulacan – Nanumpa kamakalawa ng hapon sa Korte Suprema ang mga hukom na kasapi ng Bulacan Judges Confederation, Inc. sa ginanap na induction rites sa session hall ng Supreme Court sa Maynila.

Kabilang sa nanumpang hukom sa harap ni Chief Justice Hilario Davide Jr. ay sina Judge Manuel D.J. Siyangco ng RTC Branch 6, presidente ng nasabing samahan; Judge Petrita Braga-Dime ng RTC Branch 14 at Judge Luisito G. Cortez ng MTC Plaridel, bilang mga vice president; Judge Maria Resurreccion R. Buhat ng MTC Baliuag, kalihim; Judge Maria Belen R. Liban ng RTC Branch 83, ingat-yaman; Judge Horacio T. Viola ng MTC Pulilan, 2nd treasurer; Judge Maria Teresa V. Mendoza-Arcega ng MTC Bustos, auditor; Judge Andres B. Soriano ng RTC Branch 13, PRO; at ang 16 na hukom mula sa 12 MTC at apat sa Regional Trial Court (RTC).

Layunin ng bagong samahan ng mga hukom ay upang palawigin ang produktibong relasyon sa Korte Suprema at mga opisyal ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments