NPA, ASG camps nakubkob ng militar
July 12, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nakubkob ng militar sa magkahiwalay na operasyon ang mga kampo ng New Peoples Army (NPA) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Surigao del Norte at Sulu.
Ayon kay Lt. Col. Daniel Lucero, AFP-Public information chief, 2 NPA rebels na sina Ramir Sumayo at Roger Jamelo ang kanilang naaresto sa isinagawang combat patrol operations sa Claver, Surigao del Norte habang hinahanap ang satellite camp ng mga rebelde.
Dalawa pang rebelde na sina Fortunato Cunanan at Katod Pokapok ang sumuko naman sa militar sa Maguindanao at Davao del Norte.
Nabawi naman ng militar ang kampo ng ASG at Misuari Breakaway group sa kagubatan ng Sulu.
Ang nabawing kampo ng ASG ay sa Sitio Bud Kaha, Barangay Maligay, Patikul kung saan pinaniniwalaang nagkakampo ang may 100 ASG.
Ayon sa militar, ang nasabing kampo ay teritoryo umano ni ASG-Sub leader Mihan Arok at pinsan nito.
Naglunsad ang militar ng pursuit operations upang madakip ang nasabing mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest