^

Probinsiya

Clerk of court tugis ng NBI

-
Inatasan ng Korte Suprema ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin ang isang abogadong clerk of court ng mababang hukuman na tumangay ng libong halagang pondo simula noong Enero hanggang Hunyo 28, 1993.

Sa ipinalabas na resolution ng Supreme Court, inatasan ang NBI na tugisin at dakpin si Atty. Jose Bawalan ng Trece Martirez Regional Trial Court Branch 23 sa Cavite matapos na mapatunayan ng Commission on Audit (COA) na hindi nagreremit ng pondo ng korte sa Bureau of Treasury.

Nadiskubre ng COA na kulang ng P12, 785 ang unang remittance ni Bawalan ngunit hindi na nasundan kaya pinatawag ng Supreme Court para magpaliwanag.

Binalewala naman ni Bawalan ang kautusan ng Korte Suprema at sa halip ay nagsumite ng motion for extension kaya pinagmulta ng P500 sa bawa’t maisumite sa takdang petsa.

Dahil sa hindi pagsunod ni Bawalan sa Supreme Court ay napilitang sibakin siya sa puwesto at walang matatanggap na benepisyo at hindi na maaaring makapasok pa sa alinmang sangay ng pamahalaan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BAWALAN

BINALEWALA

BUREAU OF TREASURY

CAVITE

CRUZ

DAHIL

JOSE BAWALAN

KORTE SUPREMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUPREME COURT

TRECE MARTIREZ REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with