^

Probinsiya

70 ASG namataan sa Sultan Kudarat

-
ZAMBOANGA CITY – Kinumpirma ng militar na naispatan ang mga teroristang Abu Sayyaf na dumaong sa baybaying-dagat ng Palimbang, Sultan Kudarat na sakop ng Central Mindanao matapos na makapuslit sa mahigpit na kordon sa Jolo, Sulu.

Sinabi kahapon ni Armed Forces Southern Command chief Major General Roy Kyamko na ang grupo ni Abu Sayyaf leader Khadaffi Janjalani, kasama ang aabot sa 70 terorista na sakay ng tatlong bangkang-de-motor ay dumaong sa Barangay Libua noong Sabado.

Ang kumpirmasyon ng militar ay nagmula sa mga residente na ang grupo ni Janjalani ay armado ng malalakas na kalibre ng baril kabilang ang bazooka, 90RR (recoiless rocket), M16 rifles at M203 rifle grenade na nagmula sa Zamboanga Peninsula.

Pinakalat na ang dalawang batalyon ng militar sa ilalim ng 601st Army Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Alexander Yano.

Si Janjalani, kasama ang tatlong lider na sina Isnilon Hapilon, Hamsiraji Sali, alyas Commander Jose Ramirez at Jainal Sali, alyas Abu Solaiman ay wanted ng pamahalaang US na may patong na US$ 5 milyon sa sinumang makakadakip. (Ulat nina Roel D. Pareño at Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

ALEXANDER YANO

ARMED FORCES SOUTHERN COMMAND

ARMY BRIGADE

BARANGAY LIBUA

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER JOSE RAMIREZ

HAMSIRAJI SALI

ISNILON HAPILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with