Sampung tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Joselito Castro, 41 kaya hindi umabot pa sa Aborlan Hospital.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Romeo Agbon na habang nagbabantay ang dalawang security guard na sina Rafael Venturillo at Rolando Arillano sa gate ng nasabing kolehiyo ay nakarinig sila ng sunud-sunod ng putok ng baril.
Agad na tinungo ng dalawa ang pinagmulan ng malalakas na putok at bumungad sa kanila ang duguang biktima na pinalalagay na itinumba ng mga maninikwat na naaktuhan. (Ulat ni Ed Amoroso)