^

Probinsiya

Brgy. kagawad todas sa mag-utol

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Naging mitsa ng buhay ng isang barangay kagawad ang ginawang paninita sa senglot na barangay tanod makaraang bistayin ng bala ng baril sa Barangay Tanauan, Tanza, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Hindi na naisalba pa ng mga doctor sa Mark James Hospital ang buhay ni Teodulo Marges, 39, samantala, ang mag-utol na suspek na agad na tumakas ay nakilalang sina Bernardo Espinelli at Guillermo Espinelli, kapwa barangay tanod ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Renato Arenas, nagtungo si Bernardo sa barangay hall para magbantay pero pinauwi siya ng biktima dahil sa lango ito sa alak.

Dahil sa napahiya si Bernardo ay nagmamadaling umuwi at nang bumalik sa barangay hall, kasama ang utol na si Guillermo ay isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BARANGAY

BARANGAY TANAUAN

BERNARDO

BERNARDO ESPINELLI

CAVITE

CRISTINA G

DAHIL

GUILLERMO ESPINELLI

MARK JAMES HOSPITAL

RENATO ARENAS

TEODULO MARGES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with