^

Probinsiya

Shabu lab sa Lubao siyasatin - GMA

-
LUBAO, Pampanga – Lalong pinaigting ng pamahalaan ang kampanya laban sa bawal na droga makaraang ipag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang napaulat na may malaking laboratoryo ng shabu sa bayan ng Lubao, Pampanga.

Sinabi ni P/Chief Superintendent Vidal Querol, Central Luzon police director, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Arroyo matapos na isiwalat ni Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na may pagawaan ng shabu sa Barangay Gumi, Lubao partikular sa bayan ng Bacolor.

Ayon kay Bacolor Mayor Buddy Dungca na inalerto na niya ang lahat ng barangay chairman at kapulisan laban sa anumang senyales ng iligal na operasyon ng bawal na droga.

Partikular na pinamamatyagan ni Mayor Dungca ay ang lahat ng gusali at bahay na may matataas na pader na nagbubuga ng usok tuwing sasapit ang dilim.

Kinontak naman si Lubao Mayor Dennis Pineda para hingin ang panig tungkol sa ulat na may pabrika ng shabu na pinatatakbo ng dating illegal drug lord sa Barangay San Jose Gumi, Lubao pero walang kasagutang natanggap habang sinusulat ang balitang ito.

Pinaiimbestigahan na ni Querol ang isiniwalat na alegasyon ni Congressman Padilla tungkol sa mga pabrika ng shabu sa sinilangang bayan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

BACOLOR MAYOR BUDDY DUNGCA

BARANGAY GUMI

BARANGAY SAN JOSE GUMI

CARLOS PADILLA

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPERINTENDENT VIDAL QUEROL

CONGRESSMAN PADILLA

DING CERVANTES

LUBAO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with