Mister todas sa amok

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Walang buhay na bumulagta ang isang 33-anyos na mister makaraang mabaril ng sariling senglot na tiyuhin na nag-amok sa Barangay Iruhin West, Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Sonny delos Santos, may asawa, samantala, ang suspek na agad namang tumakas ay nakilalang si Juanito Ilagan, 35, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Benefredo Angcaya, bago pa maganap ang amok ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at misis nito hanggang sa maglasing saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments