2 dedo sa road mishap
July 7, 2003 | 12:00am
CALABANGA, Camarines Sur Isang barangay kagawad ang kumpirmadong nasawi, samantala, nasa kritikal na kondisyon ang kaibigan nito makaraang mabundol ng pampasaherong dyip habang nagtutulak ng traysikel ang dalawa sa gilid ng kalsada na sakop ng Barangay San Antonio Quipayo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Melchor Coballes, 57, may asawa at opisyal ng barangay sa La Purisima Quipayo, Calabanga, Camarines Sur.
Inoobserbahan naman sa Bicol Medical Center si Benjamin Openda, 53. Sumuko sa pulisya ang driver na si Alex Bagro, 29, may asawa at residente ng Zone 6, Ma. Cristina St., Barangay Dayangdang, Naga City.
Ayon sa pulisya, itinutulak ng dalawa ang nasirang traysikel para itabi sa gilid ng kalsada pero hindi namalayan ang paparating na dyip na may plakang EVL-794. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended