Misis timbog sa ipinuslit na droga sa bilangguan
July 7, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 45-anyos na misis ang dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nagpupuslit ng bawal na droga papasok ng bilangguan na sakop ng Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa.
Ang suspek na si Salilang Badron ng Muslim compound sa Barangay Camantiles ng lungsod na ito ay nakumpiskahan ng 0.25 gramo ng shabu.
Ayon sa ulat, nagkunwaring bibisita ang suspek sa kanyang nakakulong na kamag-anak sa nasabing bilangguan pero hindi naging madaling maipuslit ang shabu dahil sa alerto si Jail Officer 1 Maritess Desamito.
May teorya naman ang mga awtoridad na si Badron ay isa sa nagpapakalat ng bawal na droga sa loob ng naturang bilangguan.
Samantala, isa namang estudyante sa Escalante National High School ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ng apat na sticks ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Alimango, Escalante City, Negros Occidental kamakalawa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended