8 notoryus na tulak nasakote
July 6, 2003 | 12:00am
Walo-kataong notoryus na nagtutulak ng bawal na droga ang iniulat na nalambat ng pulisya sa Mangaldan, Pangasinan at San Jose del Monte, Bulacan, samantala, hindi naman kilalang Tsino na pinaniniwalaang tulak ang itinumba ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Maguyan, Silang Cavite kahapon.
Inaalam naman ng pulis ang pagkikilanlan sa Tsino na may edad 30 hanggang 40-anyos makaraang matagpuan sa madamong bahagi ng nasabing barangay bandang alas-7 ng umaga.
Kasunod nito, ang mga dinakip na suspek sa isinagawang buy-bust operation ay nakilalang sina Rolly de Guzman, Robert Servito, Igod Bautista, Sefarin Deduyco, Felix at alyas Arlene na pawang nakumpiskahan ng P34,600 halaga ng shabu matapos ang buy-bust na isinagawa ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Mario Sandiego ng Pangasinan PNP.
Samantala, sina Ali Esmael, 80, at apong si Camal Esmael, 29, kapwa tubong Marawi City at residente ng Barangay Tiobe, Norzagaray, Bulacan ay naaktuhang nagbebenta ng shabu ng mga tauhan ni P/Supt. Marcelino Morales, police chief ng San Jose del Monte, Bulacan.
Nakumpiska sa mag-lolo ang 18 gramo ng shabu na nakalagay sa limang plastic sachets at granada. (Ulat nina Efren Alcantara, Myds Supnad at Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am
November 10, 2024 - 12:00am