Kinilala ni Chief Superintendent Jaime Caringal, Calabarzon regional director, ang mga nadakip na sina PO1 Joanna Marie Menorca, biyuda, nakatalaga sa Lipag police station; Crispin Sarmiento, 41; Guilbert Atienza, 28 at Gloria Calimlim.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon ng makatanggap ng impormasyon ang pulisya na mayroong nagsasagawa ng shabu session sa isang bahay sa Barangay Platero hanggang sa salakayin ito ng mga awtoridad.
Nahuli sa akto ang policewoman at 3 kasama nito na sumisinghot ng shabu.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga ito ang isang plastic na naglalaman ng shabu, aluminum foil at improvised tooter.
Kasalukuyang nakakulong sa Biñan police detention cell ang mga suspects habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.
Siniguro naman ni C/Supt. Caringal na masisibak sa serbisyo si PO1 Menorca dahil sa nahuli ito sa aktong sumisinghot ng ipinagbabawal na droga. (Ulat ni Ed Amoroso)