Babaerong mister pinatay ni misis

SAN LORENZO RUIZ, Camarines Norte – Binaril at napatay ang isang 45-anyos na mister ng sariling misis makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa kalayugo sa ilalim ng Laniton creek sa bayang ito noong Lunes, Hunyo 30, 2003.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa sentido ang biktimang si Emilio Villarta, magsasaka at residente ng Barangay Laniton, samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Merlita Villarta, 44 matapos isagawa ang krimen bandang alas10:30 ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, anim na taong inilihim ng suspek sa kanyang mga anak ang pambababae ng kanyang mister hanggang sa hindi na makayanan ang pangyayari kaya isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments