2 Sayyaf nalambat
July 2, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Dalawang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf na responsable sa pamumugot ng ulo sa tatlong bihag ang iniulat na nasakote ng mga elemento ng militar at pulisya sa itinayong checkpoint sa Vitali District may 70 kilometro ang layo mula sa silangang bahagi ng lungsod na ito noong Lunes ng hapon.
Napag-alaman na pinara ng mga awtoridad na nakatalaga sa checkpoint ang sinasakyang pampasaherong dyip ng mga suspek saka hinanapan ng anumang identification card ang mga pasahero kabilang ang dalawa.
Nabatid pa na ang mga suspek na kapwa residente ng Lantawan, Basilan ay nagtataglay ng identification card bilang kasapi ng Al-Harakatul Al-Islamiyah na kilala rin bilang grupo ng Abu Sayyaf.
Kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation ang dalawang Sayyaf para makakuha ng impormasyon sa iba pang kasamahang Sayyaf na gumagala sa Sibulao at karatig pook.
May palagay ang pulisya at militar na ang dalawa ay kasama ng grupong Sayyaf na pumugot ng ulo sa tatlong residente ng nasabing bayan na nadiskubre ang bangkay noong Biyernes.
Ayon sa pulisya, aabot na sa 42 pamilya ang pansamantalang lumikas mula sa Sibulao at Lunday Valley malapit sa hangganan ng Sibuco, Zamboanga del Norte dahil na rin sa takot na maipit sa bakbakan ng militar laban sa mga teroristang Abu Sayyaf. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended