3 pulis dinismis, 2 na-demote, 5 pa suspendido
June 30, 2003 | 12:00am
Tatlong pulis ang nadismis sa serbisyo, dalawa naman ang na-demote habang lima pa ang suspendido dahilan sa kasong grave misconduct at kapabayaan sa tungkulin kaugnay ng pinaigting na kampanya laban sa mga scalawags na mga opisyal at tauhan ng pulisya sa Police Regional Office (PRO) ng MMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) sa ikalawang bahagi ng taong ito.
Sa isinumiteng ulat kahapon sa Camp Crame ni P/Sr. Supt. Alejandro Lapinid, acting regional director ng PRO-MMAROPA, kinilala ang mga dinismis sa serbisyo na sina PO2 Armando Macaraeg ng Regional Headquarters Security Group (RHSG), PRO MMAROPA; PO2 Fernando Hernandez ng Palawan Provincial Police Office (PPO) at PO1 Alexander Carillo ng Regional Mobile Group (RMG).
Ang mga na-demote naman sa mababang ranggo ay sina SPO2 Perfecto Menes, ng Romblon PPO at SPO2 Neowille Mayangitan, ng Marinduque PPO.
Sinuspinde naman ng 60 araw na walang tatanggaping suweldo sina SPO4 Gaudencio Medina, ng Oriental Mindoro PPO; SPO3 Bonifacio Aqui, ng Palawan PPO at PO1 Godwyn Solis ng RHSG, PRO MMAROPA.
Kabilang pa sa mga suspendido naman ng 45-araw ay sina PO3 Renato de Chavez at PO1 Gilbert Gano, pawang ng Romblon PPO; PO3 Arthur Fernandez, ng Palawan PPO na nasuspinde naman ng 30 araw at PO1 Angel Fernandez, ng Oriental Mindoro PPO na pinatawan naman ng 15 araw na suspensyon.
Sinabi ni Lapinid na ang mga sinuspinde ay babalik sa serbisyo matapos ang suspension period. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended