Batay sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang mga naaresto ng mga tauhan ng 17th Infantry Battalion at 5th Infantry Division ng Philippine Army ay sina Evelyn Bedena, secretary-general ng Ilocos-Cordillera regional committee at Josephine Perez na political officer ng CPP-NPA sa Ilocos.
Naaresto ang mga lider ng NPA matapos ihain dito ng mga sundalo ang ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Corpuz Azate ng Regional Trial Court branch 1 ng Abra.
Hindi naman nanlaban ang dalawang mataas na opisyal ng CPP-NPA sa Northern Luzon nang arestuhin sila ng militar matapos masangkot sa multiple frustrated murder na kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)