^

Probinsiya

PMA cadet natagpuang naaagnas

-
Binabalot ng misteryo ang pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na may siyam na araw ng nawawala matapos na matagpuang naaagnas sa malalim na banging sakop ng Camp 6, Kennon Road, Tuba, Benguet kamakalawa ng gabi.

Inatasan na ni Major General Edilberto Adan, PMA superintendent ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni 4th class cadet Jamel Ariel Valencia.

Ang bangkay ng kadeteng 17-anyos na tubong Dingras, Ilocos Norte ay nadiskubre bandang alas-8:30 ng gabi noong Biyernes na nakabaon ang kalahating katawan sa putikan.

Pinalalagay sa inisyal na imbestigasyon na nadulas ang biktima habang naglalakad sa maputik na daan dahil sa buhos ng ulan pero hindi pa malinaw ang teoryang ito habang patuloy ang pagsisiyasat sa kaso.

Napag-alaman na si Valencia ay idineklara ni General Adan na Absence Without Offical Leave (AWOL) makaraang mawala noong Hunyo 16 ng umaga sa compound ng PMA Fort Del Pilar, Baguio City.

Si Valencia ay hindi napabilang sa umagang mess formation noong Hunyo 16, 2003 kaya napilitang hanapin ng kapwa kadete.

Makaraan ang ilang araw na pagkawala ni Valencia ay umalingasaw ang mabahong amoy noong Huwebes ng gabi kaya natukoy ang kinaroroonan ni Valencia na nakasuot pa ng camouflage uniform.

May nakitang lamat sa kanang bungo ni Valencia at bali ang kaliwang bukongbukong na pinalalagay ng mga doctor na nauna ang ulong lumagapak sa malalim na bangin.

Pansamantalang hinihintay ng mga opisyal ng PMA at kaanak ang resulta sa isinagawang pagsusuri ng pulisya mula sa Camp Crame sa bangkay ni Valencia.(Ulat nina Joy Cantos at Artemio Dumlao)

ABSENCE WITHOUT OFFICAL LEAVE

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

CAMP CRAME

FORT DEL PILAR

GENERAL ADAN

HUNYO

ILOCOS NORTE

JAMEL ARIEL VALENCIA

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with