^

Probinsiya

Saksi sa kalupitan sinailalim sa DOJ-WPP

-
Isinailalim na ng Department of Justice sa Witness Protection Program (WPP) ang barangay chairman na nakasaksi sa kalupihan ni M/ Sgt. Donald Caigas laban sa ilang residente at mga opisyal ng barangay sa Mindoro Oriental.

Ayon kay Justice Undersecretary Jose Calida na si Barangay Chairman Rimando Recalde at pamilya nito ay nasa pangangalaga na ng WPP para maseguro ang kaligtasan.

Si Recalde ang positibong nagturo kay Caigas na nambugbog sa ilang residente at opisyal ng barangay sa nasabing lalawigan.

Isiniwalat din ni Recalde na direktang tumatanggap ng kautusan si Caigas mula kay Col. Jovito Palparan, commander ng 204th Brigade ng Phil. Army na unang napaulat na ipinatawag ng Senado tungkol sa pagkakasangkot sa pagpatay sa dalawang aktibista.

Gayunman, inihahanda na ng National Bureau of Investigation ang kaukulang kaso laban kay Caigas na pinaniniwalaang mabibigyang-linaw ang imbestigasyon sa pagdukot at pagpatay kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BARANGAY CHAIRMAN RIMANDO RECALDE

CAIGAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONALD CAIGAS

EDDIE GUMANOY

EDEN MARCELLANA

JOVITO PALPARAN

JUSTICE UNDERSECRETARY JOSE CALIDA

MINDORO ORIENTAL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SI RECALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with