^

Probinsiya

Sanggol pinadede ng Zonrox

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Maging ang mga hayop na inahin sa kagubatan ay matiyagang inaalagaan ang kanilang supling pero kakaiba ang pangyayari sa isang sanggol na ngayon ay agaw-buhay sa ospital makaraang padidehin ng Zonrox ng sariling ina kamakalawa ng umaga sa Barangay Sta. Maria, Dasmariñas, Cavite.

Kasakuluyang nakikipaglaban kay kamatayan sa pinagdalhang J.P. Hospital ang biktimang isang buwang gulang na si John Terrence Dordas, samantala, ang suspek na ina na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Teresa Moralde Dordas na residente ng nabanggit na barangay.

Ang ina ng sanggol ay nagtangka rin magpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng Zonrox na ipinadede nito sa anak pero agad naman nalapatan ng lunas at tumakas mula sa nasabing ospital.

Sa nakalap na impormasyon ni PO1 Berna Camarce, bago pa maganap ang pangyayari ay nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magulang ng biktima sa loob ng kanilang bahay.

Matapos ang bangayan ng mag-asawa ay agad na nagtungo ang suspek sa kusina habang ang lalaki ay lumabas ng bahay.

Dito na isinagawa ng suspek na padedehin ng Zonrox ang kanyang anak at sa pag-aakalang napatay ang sanggol ay ininom din nito ang natitirang lason para wakasan ang buhay kaya kapwa sila isinugod ng ilang kapitbahay sa nasabing ospital.

Nang mahimasmasan sa ospital ang suspek at inakalang napatay ang anak ay agad naman tumakas sa hindi nabatid na lugar.(Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BARANGAY STA

BERNA CAMARCE

CAVITE

CRISTINA G

DASMARI

DITO

JOHN TERRENCE DORDAS

KASAKULUYANG

TERESA MORALDE DORDAS

ZONROX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with