^

Probinsiya

Sundalo patay, 3 pa grabe sa ambush

-
SAN MARCELINO, Zambales – Isang kawal ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi, samantala, tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng patrulyang pandigma ang tropa ng militar sa Sitio Lawin, Barangay San Rafael sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Army’s Pfc. Ronald S. Teron, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon naman ay sina Sgt. Danilo Santos, Sgt. Porfirio Saban at Pfc. Arthur Habon Copasan na pawang miyembro ng 24th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Sa naantalang ulat mula sa military detachment ng Phil. Army na nakabase sa Sitio Macarang, Barangay Adlao, San Marcelino, bandang alas-4 ng hapon nang tambangan ng mga rebeldeng tropa ng militar sa nasabing barangay.

Tumagal ng may isang oras ang putukan makaraang gumanti ang mga kawal ng Phil. Army pero napuruhan agad si Teron sa unang bugso ng putok at ikinasugat naman ng malubha ng tatlong kawal bago nagsiatras ang mga rebelde.

Base sa ulat ni Major General Romeo Dominguez, Northern Luzon Command chief, siyam na rebeldeng NPA ang bumulagta sa naganap na pananambang sa mga sundalo ng 24th Infantry Battalion at kasalukuyang bineberipika ang mga pangalan. (Ulat ni Jeff Tombado)

ARTHUR HABON COPASAN

BARANGAY ADLAO

BARANGAY SAN RAFAEL

DANILO SANTOS

INFANTRY BATTALION

JEFF TOMBADO

MAJOR GENERAL ROMEO DOMINGUEZ

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON COMMAND

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with