Dadalo sa court hearing inambus
June 19, 2003 | 12:00am
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro Hinadlangan ni kamatayan ang gagawing pagdalo sa court hearing ng isang Canadian national makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Street, San Vicente East sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril ang tumapos sa buhay ni Cyrill Edwin Battye, 57, binata, tubong Kenya, Africa at naninirahan sa #20 Benivente St. Phase 6, Vista Verde, Cainta, Rizal.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Battye ay sakay ng traysikel bandang alas-9:45 ng umaga para dumalo ng court hearing sa Calapan Regional Trial Court Branch 39 nang tambangan ng mga nakamotorsiklong kalalakihan.
Bukod sa ibang anggulo ay sinisilip naman ng pulisya na posibleng nasa likod ng pamamaslang ang live-in partner ng biktima dahil sa napaulat na ibig kumalas sa kanilang relasyon.
Sa nakalap na impormasyon, nagpupumilit ang live-in partner ni Battye na hatiin ang kanilang mga ari-arian pero mariing tumanggi ang biktima.
Sinabi ni Police Superindentent Voltaire Calzado, Oriental Mindoro police director na si Battye ay may mga kinakaharap na kasong arson, theft, perjury at estafa sa mababang korte ng Oriental Mindoro. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest