^

Probinsiya

Barangay opisyal dedo sa road mishap

-
LEGAZPI CITY – Isang 70-anyos na barangay secretary ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng trak habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Rizal Street sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Briccio Ativo, biyudo, retiradong guro at residente ng Barangay Pinaric sa nasabing lungsod.

Agad naman nadakip ang driver ng trak (TJK-796) na si Alex Bolales, 26, binata ng Barangay Kiwalo, Daraga, Albay.

Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng isang 22-anyos na security guard sa loob ng barrack na binaril sa mukha ng hindi kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay Mataas na Lupa, Indang, Cavite.

Ang biktimang wasak ang mukha ay nakilalang si Ricky Toledo ng Ross Avenue, Pilar, Las Piñas City.

Nawawala rin ang shotgun ng biktima na ginagamit sa pagbabantay sa Asama Homes Subdivision sa naturang lugar. (Ulat nina Ed Casulla at Cristina G. Timbang)

ALEX BOLALES

ASAMA HOMES SUBDIVISION

BARANGAY KIWALO

BARANGAY MATAAS

BARANGAY PINARIC

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRICCIO ATIVO

CRISTINA G

ED CASULLA

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with