20 obrero hinostage ng NPA rebels
June 18, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Aabot sa dalawampung obrero ang iniulat na panandaliang hinostage ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) bago sinunog ang sinasakyang trak ng mga biktima sa Barangay Zelovia, Talacogon, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.
Naitala ang pangyayari bandang alas-10 ng umaga matapos na harangin ng mga rebelde ang sinasakyang trak ng mga biktimang trabahador ng Provident Tree Farm, Inc. (PTFI).
May ilang oras din hinostage ang mga biktima kabilang na ang chainsaw operator na si Romeo Mantong at nagpahatid ng mensahe ang mga rebelde sa may-ari ng nasabing kompanya na magbigay ng revolutionary tax.
Bago pakawalan ng mga rebelde ang 20 obrero ay sinunog ang sasakyang trak at tinangay ang dalawang chainsaw na pag-aari ng PTFI.
Kasunod nito, sinunog din ng mga rebelde ang control panel board crusher na pag-aari ni Willy Go matapos na salakayin ang construction firm sa Barangay Mangga, Tuburan, Cebu bandang alas-10:30 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest