2 pang kagawad tinambangan, 1 patay
June 16, 2003 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang barangay kagawad ang nasawi habang nasugatan naman ang kasama nito makaraang tambangan sila ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa sa lungsod na ito.
Ang nasawi ay si Apolonio Valino Jr., 44, ng Barangay Aduas Centro ng lungsod na ito habang nasugatan naman si Evelyn Mateo, 56, na pawang barangay kagawad sa kanilang lugar.
Ayon sa ulat ni Supt. Laverne Managbao, hepe ng pulisya dito, kagagaling lamang umano sa sesyon ng kanilang barangay bandang alas-8:30 ng gabi ang mga biktima ng yayain ni Valino si Mateo na ihatid na lamang niya ito sa kanilang bahay na pinaunlakan naman nito.
Sakay ng kotseng Kia Pride (plate number TAH-508) ni Valino ng bigla silang tabihan ng motorsiklo na may lulang dalawang lalaki saka sila biglang pinagbabaril pagdating sa Santarina St. habang pababa si Mateo ng sasakyan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pangyayari habang isinugod sa Dr. Paulino Hospital ang mga ito subalit nasawi si Valino sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan habang ginagamot pa rin sa ospital si Mateo na nagtamo ng mga tama ng bala sa balikat at tuhod. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 4 hours ago
By Cristina Timbang | 4 hours ago
By Tony Sandoval | 4 hours ago
Recommended