Barangay Chairman todas sa ambush, 1 pa sugatan
June 16, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang barangay chairman ang tinambangan at nasawi habang malubhang nasugatan naman ang sekretaryo nito matapos silang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang mula sa kalaban sa pulitika sa Samar kamakalawa.
Ang nasawi ay nakilalang si Brgy. chairman Rogelio Cailo ng Barangay Tigbawon, Gandara ng nasabing lalawigan habang ang nasugatan naman ay si Carlito Cajuban, samantalang himalang nakaligtas na walang sugat si Barangay Kagawad Romeo Bartillo.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga habang naglalakad ang mga biktima sa bisinidad ng Barangay Purog patungong Poblacion nang bigla silang harangin at pagbabarilin ng mga suspects na nakilalang sina Pepito Orquin, Mando Orquin at isang Adoy dela Cruz na pawang kalaban sa pulitika ni Cailo.
Mabilis na tumakas ang mga suspects matapos isagawa ang pamamaril habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima pero nasawi si Cailo habang nasa kritikal na kondisyon si Cajuban.
Naglunsad ng manhunt operations ang mga awtoridad upang mahuli ang mga suspects na pawang kalaban sa pulitika ng barangay chairman. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest