^

Probinsiya

10 NPA rebels sugatan sa labanan

-
Camp Aguinaldo – Sampung miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na pinaniniwalaang responsable sa panununog ng dalawang pampasaherong bus sa Central Luzon kamakailan ang nasugatan matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa.

Batay sa ulat na ipinarating ni Major Gen. Alberto Braganza, Chief ng Army’s 7th Infantry Division (ID), dakong alas-7:00 ng umaga nitong Huwebes nang magbakbakan ang Army’s 71st Infantry Battalion (IB) at ang grupo ng armadong rebelde nang magpang-abot sa Sitio Nalagarian, Brgy. Puncan, Lomboy Bukid sa nasabing bayan.

Agad na nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto.

Nakatakas ang grupo ng mga rebelde bitbit ang mga sugatan nilang kasamahan patungo sa direksiyon ng kagubatan.

Magugunita na ang nasabing grupo ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang kinilalang Ka Danny ang itinuturong responsable sa panununog ng Baliuag Transit na patungong Maynila sa naturang lalawigan kamakailan dahilan sa pagtangging magbayad ng revolutionary tax.

Nabatid na una ring nasangkot ang nasabing grupo sa panununog ng isa ring pampasaherong bus sa Tarlac noong Hunyo 8.

Patuloy naman ang isinasagawang pursuit operations sa naturang grupo ng mga rebeldeng NPA. (Ulat ni Joy Cantos)

ALBERTO BRAGANZA

BALIUAG TRANSIT

CAMP AGUINALDO

CENTRAL LUZON

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

KA DANNY

LOMBOY BUKID

MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with