Espiya ng Sayyaf nalambat
June 12, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Nadakip ng tropa ng militar ang isa sa matinik na espiya ng bandidong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang naniniktik sa ikinikilos ng militar sa Patikul, Sulu, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Si Junaini Ahmad, 31 ay nalambat noong Martes sa Barangay Bon-Bon, Patikul ng pinagsanib na elemento ng 3rd Marine Brigade at Military Intelligence Company (MICO), ayon kay Southern Command chief Maj. Gen. Roy Kyamko.
Ang pagkakadakip kay Ahmad ay pangatlo na sa hanay ng Abu Sayyaf sa loob lamang ng isang linggo na kinabibilangan nina Kumander Kalaw Jaljalis at Muktar Sariasa.
Positibo namang kinilala ng military spotter si Ahmad na aktibong miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ni Kumander Radullan Sahiron na namataan sa Sulu na gumagala.
Responsable rin si Ahmad sa pamamaslang sa dalawang kawal noong 2001 sa Sitio Usaw, Barangay Timpook, Patikul, ayon sa militar. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended