Bihag ng Abu nakatakas matapos ang 3 taon
June 7, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Matapos ang mahigit na tatlong taon ay nakatakas mula sa kamay ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag na si Roland Ulah na kabilang sa mga dinukot sa Sabah, Malaysia noong Abril 2000.
Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa militar kung totoo ang alegasyon na hindi totoong bihag si Ulah, na cook sa Sipadan resort, kundi kontak at kasabwat umano ng grupo.
Ayon kay Lt. Col. Daniel Lucero, AFP-PIO chief, si Ulah ay nakatakas nitong Martes dakong alas-4 ng hapon matapos magkaroon ng engkwentro ang tropa ng militar at ASG sa Brgy. Taglibi, Patikul, Sulu.
Si Ulah ay natagpuan ng mga residente dakong alas-11 ng umaga nitong Huwebes habang naglalakad sa magubat na lugar sa Patikul saka inihatid sa munisipyo ng Patikul at ipinagkaloob sa Task Force Comet ng AFP at isinailalim sa tactical interrogation ng militar.
Kabilang si Ulah sa mga kinidnap ng ASG mula sa Sipadan resort sa Sabah kung saan ang iba dito ay napalaya na nang magbayad ng ransom.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended