^

Probinsiya

Aide ni Gob. Maliksi todas sa parak

-
Dasmariñas , Cavite Isang miyembro ng security force ni Cavite Governor Ayong Maliksi ang napaslang sa pakikipagbarilan sa isang nagrespondeng miyembro ng Special Weapons Action Team (SWAT) matapos mag-amok ang una sa naganap na shootout sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Rhodel Sermonia, Chief ng Dasmariñas Police ang biktima na si Ponciano Mercado, kasapi ng civilian security force ni Maliksi at isa rin sa mga security officers ni Brgy. Chairman Nomer Bocal ng Brgy. Paliparan ng nabanggit na munisipalidad.

Nakilala naman ang nakabaril ritong pulis na si PO1 Edgardo Gallardo, ng Dasmariñas Police SWAT team.

Ayon kay Sermonia, nasa impluwensiya umano ng alak si Mercado na nag-amok kung saan ay walang habas nitong pinaputok ang kaniyang .9mm pistol matapos ang mainitang pakikipagtalo sa kaniyang live-in partner na si Nimfa Buan dakong alas-4 ng hapon nitong Miyerkules.

Mabilis namang nagresponde si Gallardo na noo’y kasalukuyang nagpapatrulya sa nasabing lugar matapos marinig ang tatlong putok ng baril.

Tinangka umanong payapain ni Gallardo si Mercado subalit pinaputukan siya nito sa paa kaya napilitan na siyang barilin ang biktima.

Ang biktima ay dead on arrival sa UMC Hospital habang narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang .9mm pistol ng biktima at walong basyo ng bala nito at dalawa ring basyo ng bala ng armalite rifle. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BRGY

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

CHAIRMAN NOMER BOCAL

CRISTINA G

DASMARI

EDGARDO GALLARDO

GALLARDO

MERCADO

NIMFA BUAN

PONCIANO MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with