Killer ng 2 pulis todas sa barilan
June 5, 2003 | 12:00am
Imbes na sumuko ang lider ng "Tolentino Gang" na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa dalawang pulis ay nakipagbarilan ito hanggang sa mamatay sa tumutugis na elemento ng Police Regional Intelligence and Investigation Division sa naganap na engkuwentro sa Barangay Pagaspas Tanauan, Batangas kamakalawa.
Si Jarencio Tolentino, alyas Henry at "Mad Dog" ay napatay bandang alas- 11:45 ng umaga sa pinagkukutaan nito sa nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya, ang grupo ni Tolentino ay responsable sa pagkakapatay kina SPO4 Rosdelio Lareza at SPO2 Rodilyn Bundalian noong Enero 2003 sa Barangay Pulang Lupa, Calamba City, Laguna.
Napag-alaman na may impormasyong nakalap ang pulisya na nagkukuta si Tolentino sa nasabing lugar kaya agad na tinungo ng mga awtoridad.
Hindi pa nakalalapit ang pulisya sa pinagkukutaan ni Tolentino ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok hanggang sa maganap ang barilan at bumulagta si Tolentino. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest