Mag-asawa patay sa taga ng kapitbahay

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Dahil sa kahihiyang inabot dulot nang paninita ay pinagtataga ang mag-asawa ng kanilang kapitbahay na magsasaka na ikinasawi ng mister at ikinasugat naman ng malubha ng asawa, sa Barangay Alulod, Indang, Cavite kahapon.

Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Willijardo Sayaman, 37, samantala, ginagamot naman sa Andres Bonifacio Memorial Hospital si Nelly Sayaman, 31, na kapwa residente ng nasabing barangay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Raffy Yabot matapos isagawa ang krimen bandang alas-12:45 ng tanghali.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, pinagsabihan ng mag-asawa ang suspek na pansamantalang itigil ang pagdaan sa kanilang palayan dahil sa masisira ang mga pananim.

Dinamdam ng suspek ang tinuran ng mag-asawang kapitbahay kaya nagtanim ng galit dahil sa napahiya hanggang sa lumipas ang ilang araw at nagdesisyong isagawa ng krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments