Pulis sabog sa granada
June 3, 2003 | 12:00am
Nagkalasug-lasog ang katawan ng bagitong pulis makaraang masabugan ng inihagis na granada ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay natutulog sa sariling bahay sa San Miguel Barangay Hall, Mabitac, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.
Napuruhan ng pagsabog ang katawan ng biktimang si PO1 Michael A. Bulahan, 26, binata, at nakatalaga sa 415th PNP Mobile Group sa ilalim ng Quezon Provincial Police Office (PPO).
Base sa ulat, ang biktima ay nakatakda sanang magtapos kahapon sa Re-Engineered Special Training (RST) ng 202nd Infantry Battalion ng Phil. Army sa Sta. Cruz, Laguna.
Sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng naturang barangay hall.
Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang kasamang si PO1 Melvin Rueda, samantala, ang suspek ay biglang naglahong parang bula sa madilim na bahagi ng naturang lugar.
Inaalam ng pulisya kung nasa likod ng karahasan ang grupo ng makakaliwang kilusan o kaya naman ay may matinding galit sa dalawang pulis. (Ulat nina Joy Cantos at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest