Banggaan ng bus: 2 patay, 5 grabe
June 2, 2003 | 12:00am
GUMACA, Quezon Dalawa-katao kabilang na ang apat-na-taong gulang na batang lalaki ang kumpirmadong namatay, samantala, lima naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus sa pakurbadang highway na sakop ng Barangay Buensuceso sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Duguang naipit ang mga biktimang sina Kazuhiro Yap at ang yaya nitong si Yolanda Alagano, samantala, ginagamot naman sa Gumaca District Hospital ang mga sugatang biktimang sina Isabel Yap, 53; Elson Soneja, 25; Leticia Decena, 60; Jay Hernandez, 32, at Joseto Tabungar, 45, na tubong Tacloban, Leyte.
Sa ulat ng pulisya, nakalulan ang mga biktima sa Raymund Bus (EVK-423) na minamaneho ni Elino Sangco patungo sa Bicol Region.
Pagsapit ng bus na sinasakyan ng mga biktima sa kurbadang kalsada ay sinalubong sila ng Philtranco Bus na minamaneho naman ni Noel Dizon kaya naganap ang trahedya.
Tinutugis naman ng pulisya ang driver ng Philtranco Bus para papanagutin sa naganap na sakuna. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
Recommended