^

Probinsiya

Nadakip na ASG Commander nagtangkang tumakas

-
Zamboanga City – Isang naarestong mataas na lider ng notoryus na Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa serye ng kidnapping ang napaslang matapos na magtangkang tumakas sa kustodya ng militar sa Basilan.

Kinilala ni Col. Bonifacio Ramos, 103rd Army Brigade Commander ang napatay na bandido na si Mauran Ampul alyas Bashirul Ampul.

Sinabi ni Ramos na si Ampul ay kanang kamay ni ASG Commander Hamsiraji Sali na may patong sa ulong P150,000 na naitaas sa P1-M kapalit ng kaniyang ikadarakip.

Nabatid na si Ampul ay nadakip matapos makasagupa ng mga sundalo ang grupo nito dakong alas-3 ng hapon kamakalawa sa ilang minutong palitan ng putok sa Lower Kapayawan, Isabela City, Basilan.

Gayunman habang ini-eskortan ng militar patungo sa headquarters ng 103rd Brigade ay nagtangka itong tumakas at nanlaban pa sa tumugis na tropa ng pamahalaan kaya napaslang.

Sinabi naman ni Phil. Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala na si Ampul ay sangkot sa pagdukot kay Fr. Cerilo Nacorda, Dr. Danilo Barandino at ng pamilya nito noong 1993-1994; pagdukot sa mga estudyante, guro at paring si Fr. Rhoel Gallardo noong Marso 2000.

Ang grupo rin ni Ampul ang itinuturong sangkot sa pagdukot sa 20 katao sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001 kabilang sina American missionary Gracia at Martin Burnham. (Ulat ni Roel Pareño at Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ARMY BRIGADE COMMANDER

ARMY SPOKESMAN LT

BASHIRUL AMPUL

BASILAN

BONIFACIO RAMOS

CERILO NACORDA

COMMANDER HAMSIRAJI SALI

DOS PALMAS RESORT

DR. DANILO BARANDINO

ISABELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with